Let Them Wear What They Want

They can really wear anything they want. Hindi ko nga alam kung bakit paulit-ulit nalang itong diskusyon na to. Bakit ba laging ang kababaihan ang dapat na mag-adjust para sa ibang tao.

Naalala ko tuloy nung lumabas yung pahayag ni VP Leni last year na “Rape Exists because of Rapists”. Ang daming tumawa sa comment section, hindi mo alam kung makiki-epal ka pa ba kasi puro troll at hate ‘yung comments na hindi naman naiintindihan kung anong meaning nung pahayag. Gusto mong linawin sa kanila pero alam mong dudumugin ka lang ng kung ano-anong wala sa usapang argumento.

Ang usaping iyon ay malayo na sa political color, hindi na dapat mahalaga kung sinong nagsabi. Ang usaping iyon ay para na sa mga kapatid natin, kaibigan natin, at sa mga kababaihang nabastos at naging biktima ng ganoong krimen.

What Does it Mean

Hindi kasalanan ng mga babaeng biktima ang sinapit nila, kasalanan ng gumawa. Hindi sa pananamit nila, hindi dahil sa maganda sila, at hindi dahil nagpapapansin sila kaya hindi napigilan ng mga demonyo ang pagiging lalaki “daw” nila.

Ganon din ako sa girlfriend ko tuwing nagpapatulong siyang pumili ng bibilhing damit. She can wear anything she wants. Ang totoo nyan hindi naman niya kailangan magtanong, wala namang babaeng dapat na magtanong kung ayos ang suot nila para sa iba.

Bukod naman sa lagi siyang maganda. Ang lagi ko lang tanong sa kaniya ay comfortable ka ba, at kung sinabing niyang oo, then we are good to go. As long as komportable siya at gusto niya ang damit. Hindi naman na talaga need ng comment ko o ng kahit sino about it.

Ganoon din naman ako sa pagpili ng damit, gusto ko komportable ako. Bakit ko naman iisipin kung komportable ang iba sa suot ko e ako ang may suot dba? Wala nang ibang tanong, wala nang baka ganito, baka ganyan. Hindi siya ang dapat na mag-adjust.

At unang-una, hindi ko naman siya pagmamay-ari. Girlfriend ko siya pero buo na siyang tao bago pa man kami nagkakilala. Sino ako para umangkin ng tao. Sino tayo para umangkin ng kahit sino. Hindi ako o kahit sino ang dapat na magdikta kung anong dapat niyang suotin, dapat niyang gawin, o dapat niyang ikilos. Gusto niyang maging komportable siya sa paghahayag ng sarili, ng iniisip, o ng nararamdaman.

At labas sa usapang ito ang pananamit sa mga lugar na may mga dress code, religious space man o trabaho. Ang usaping ito ay tungkol sa usapin ng victim blaming sa krimen na rape at ang patuloy na paglalagay ng standard sa pananamit ng babae.

Hindi siya naghahangad ng atensyon, and nope she’s not asking for it. At kung may tangang nambastos sa kaniya, hindi niya yun kasalanan. Hindi dahil sa damit niya. Hindi dahil sa nagpapapansin siya. Kasalanan yun ng nambastos sa kaniya. Nakadepende ba sa suot kung tama ang pambabastos o hindi?  Hindi ba’t laging mali ang pambabastos.

Kaya tawang-tawa ako sa nakita kong to sa fb ‘e.

They can keep wearing what they want. She can wear what she wants. Hindi siya nagbibihis para sa akin o para kanino. Hindi siya at ang mga kababaihan ang kailangan mag-adjust sa katarantaduhan ng lipunang to.

Bakit Hindi ito Tama

Ang laki kasing kamalian nang pagsasabi sa mga kababaihan na ayusin ang pananamit para makaiwas sa ganitong pambabastos, sa ganitong krimen. Nakakaiwas ang mga rapists sa ginawa nilang kasalanan dahil may mga taong naniniwalang hindi mangyayari yun kung hindi ganun ang suot nila, kung nasa bahay lang sila, kasalanan nung biktima kasi yung suot e, kasi gabi na e, bakit ka pa kasi umalis e.

Napupunta sa biktima ang malaking kasalanan. Nababawasan ang guilt ng mga rapists at bastos. Nagkakaroon sila ng dahilan kung bakit nila ginawa iyon.

Itong mga ganitong paniniwala ang nagpapahirap sa mga biktima kung bakit mas pinipili nilang manahimik. Yung ganitong paniniwalang patuloy na pinalalaganap ng kung sinong akala mo sa simbahan na natutulog at araw-araw na nag-aalmusal ng ostya at umiinom ng holy water.

Hindi ko nga alam kung kailangan ko pa bang i-point out na may mga biktimang pormal at balot na balot ang suot. Nahihirapan din akong banggitin na pati ang mga sanggol at ilang kabataan ay biktima din ng ganito.

Photo from Reklamador Fb page

Kaya hindi pupwedeng ipilit na ang mga babae at ang bihis nila ang may dahilan. Gaano man ang pag-iingat ng isang babae, gaano man mag-saplot. Laging may rape dahil may mga lalaking hindi utak ang pinapagana, kung hindi libido at libog. Hindi ba’t mas mahalagang turuan ang mga itong huwag mang-rape o mambastos?

Wisdom Doesn’t Come With Age

Photo From Frankie’s Menu

Kung meron man akong natutunan sa Philosophy class dati, kung meron ah, ito siguro yun. Wisdom doesn’t come with age. Knowledge through experience, not age. Hindi laging ibig sabihin na kung sinong mas nauna sa mundo, mas tama, mas may alam. May maagang pinatatanda ng mga experience sa buhay. At may matatandang ayon, tumanda lang. Repetitive ang experience sa buhay. Hindi mai-invalidate ang point, knowledge o opiniyon mo dahil lang sa mas bata ka.

Ito ang isa sa pinanghahawakan ng blog na ito nung inumpisahan ko ito. Kailangan nating marinig. Kung okay sa kanila ang ganitong mga paniniwala, bakit dapat na okay din sa atin kung mali talaga?

Kaya nabanggit ko din sa blog na 3 Ways to Deal with Uncertainty na dapat may paninindigan tayo, labas sa usapan ang age natin o tinagal natin sa mundo. Hindi yun sukatan. Nalulunod na nga tayo sa Uncertainties, pinapatahimik pa tayo ng iilan.

Ben10!

Ewan ko kung bakit ko biglang naalala si Ben10. Si Ben10 lang naman talaga ang kilala kong Ben. Minsan naiisip ko na baka kaya Ben10 kasi tumigil na siya sa pag-evolve at pagtanda by age of 10?  May mas magandang masasabi pa nga siguro ang ibang 10 years old at younger kaysa kay Ben10, kasi nga d’ba it doesn’t come with age. Bakit ba nasali si Ben10 dito? Ah basta ewan ko din.

Leave a Reply