Bakit Ka Sumuko?

Laging madali ang mag-umpisa ng relasyon. Ang lagi lang naman nagiging problema ay kung kailan titigil at kung kailan dapat sumuko.

Kailan tatapusin, kailan magsasawang magpaka-tanga, kailan magsasawang masaktan.

Kasi sabi nila kapag mahal mo daw, hindi dapat sinusukuan. Sabi yun ng mga nagpo-post sa Facebook. “Love is sacrifice” daw, may point. Maaaring gumagana sa iba, pero hindi ba’t hindi naman laging ganon?

Paano ba talaga malalaman kung dapat mo nang sukuan ang isang tao?

Hindi ko din alam, hindi naman ako expert sa pag-ibig. Hindi ko din alam kung bakit ko ito isinusulat, ang interesting lang kasi ng tanong. Hindi natatapos, kahit anong edad o henerasyon, naging problema ito.

Kaya naman nagtanong ako sa mga kaibigan kung kailan ba nila napagdesisyunang sumuko sa isang tao.

Rods, 22

You will never know when to stop fighting for someone, you will feel it. Pag alam mong di ka na masaya or pinaparamdam niyang di ka na mahalaga. Masakit, oo, pero sabi nga ni Taylor Swift sa kanta nyang The 1, “If you never bleed you’re never gonna grow”.

Jewel, 21

May mga punto sa buhay natin na minsan napapagod na tayo umintindi ng mga tao na patuloy tayong sinasaktan, pero dahil mahal natin sila or sa terms ngayon “marupok” tayo or “martyr” hindi tayo sumusuko at wala tayong sawa na intindihin sila kahit tayo na yung na-aagrabyado. Sa aking personal na opinyon base sa emosyon, maaaring sumuko ka na sa isang tao kapag binabalewala ka na niya, like he/she doesn’t prioritize, care or make effort for you like how much you do it for them. Yung minsan parang pinipilit mo yung sarili mo towards the person without thinking na minsan napipilitan or ayaw ka na naman niyang kausap or kasama.

Another thing is mas nararamdaman mo yung emosyon ng kalungkutan more on sa pagiging masaya tapos puro lang kayo arguments, wala na yung quality time nyo or yung concept ng “happiness” between the two of you. Parang to sum up, I know the struggle is real pero we should know our worth and limitations, not all people ay magi-stay sa buhay natin, sometimes they’re just lesson in our lives and makakatulong satin to grow as a person, because kasabay nun we’re learning to love ourselves first before anything else.

Marc, 23

Ang vague nito, pero tingin ko, may ibibigay na signs ang universe. Life will pull you somewhere else. Hanggang sa sobrang dami nang signs, kasalanan or kabulagan nang magstay. You eventually feel na the kindest thing to do for yourself and for the other person is to let go. And that realization takes a lot of time.

Ella, 21

Kapag napagod ka na sa paulit-ulit na hindi ka masaya. Alam kong ‘di palagi masaya pero alam mo ‘yung pakiramdam na parang hindi na ikaw dahil pinipilit mo pang hanapan ng solusyon at sagot kahit na parang ikaw na lang ang gumagawa ng paraan. Kapag gabi-gabi kang pinapaiyak at hindi pinapatulog ng thoughts mo. Sa oras na maramdam mo ‘yan, tigil na dahil at the end of the day sarili mo lang ang meron ka at you deserve better.

Paul, 22

Ito yung pinakahuling desisyon na pwede mong maibigay sa kanya. Kapag pinilit niyo, parang hindi na tugma yung mundong ginagalawan niyo, lahat salungat, lahat mabigat. Yung mga pangako niyo sa isa’t isa hindi na tumutugma sa nararamdaman ninyong dalawa. Kailangan ng sumuko kapag ultimo mga simpleng salita masakit na, kumbaga “toxic” na. At kapag nakita mo yung sarili mong ligaw sa kawalan, madilim, dead end, yun na yong indikasyon na suko na, dahil mahirap pulutin ang sarili kapag nahulog ka nang mag-isa lamang.

Alelie, 22

Hindi ka susuko dahil sawa ka na, susuko ka kapag hindi mo na mahanap yung sarili mo sa relasyon niyo. Isa kang tanga kung mag-stay ka pa rin kahit alam mo sa sarili mo na wala ka nang halaga sakanya.

Robin, 22

May ex ako na he cheated on me three times in one month. Sakit niya siguro yun na hindi niya matago ang penis niya sa loob ng pants niya. Noong nag-confess siya, sa sobrang linunod ko siya sa pagmamahal, ang sinabi ko after ay “It’s alright.” Tanga ‘di ba? Sabi ng friends ko na napakatanga ko raw for keeping him, na ako pa yung humabol hanggang sa dulo. Pero hindi ko siya sinukuan dati dahil inakala ko na mapapa-“galing” ko siya sa “sakit” niya. Lol. Pero sumuko rin ako dahil naging totoo ako sa sarili ko: Hindi ko kaya.

Sa breakup na ‘yun, para akong namatayan. Buhay pa naman siya, ibang tao na, pero para sa akin, multo na lang ang old self niya na umiikot sa mga lugar na dati naming pinupuntahan. ‘Yan ang pinagluluksaan ko at pinagtitirikan ng kandila. Alexa, play Perfect Places by Lorde. ‘Yun ang mga mahirap i-let go: Oras at ang mga pinaghirapan niyong moments. Pero okay lang. Sa pagluluksa na ito, walang unanswered questions, dahil pinakawalan ko siya nang may katotohanan: Hindi kami nararapat para sa isa’t isa.

Sarili lang talaga ang makakapagbigay ng katotohanan. Minsan pa nga, ibang tao. Kasi binubulag tayo ng pag-ibig lagi. ‘Pag tinotoo mo ang sarili mo, malalaman mo ang sagot. Ika ni Oprah, for you to be happy, what you know must be aligned with what you feel, and vice versa.

Hindi Laging “Love is Sacrifice”

Ito ang natutunan ko sa mga kuwento nila kung bakit sila sumuko.

Huwag matakot bumitaw dahil sa natatakot kang masaktan. Hindi ka makaka-move on kung hindi muna masasaktan, kung hindi ka muna bibitaw.

Meron ding kasabihan na madalas na nating naririnig, pero lagi at laging nalilimutan: laging piliin ang sarili.

Hindi pala laging gumagana ang “love is sacrifice”. May mga pag-ibig na ikaw lang bigay nang bigay, hindi ka naman iniibig pabalik. One-sided lang. Hindi sapat na mahal mo kasi, kaya dapat laging magtitiis, laging magpapatawad.

Laging may hangganan. Huwag magpakulong sa isang paniniwala tungkol sa pag-ibig. Wala namang nakakaalam kung ano ang tamang pag-ibig sa hindi, kahit na ako o ang blog na ito.

Pero kung meron mang makakapagsabi kung anong dapat mong gawin, ikaw iyon. Ikaw lang ang makakatimbang at makapagsasabi kung hanggang kailan ka dapat na mag-sacrifice, kung ano ang hangganan mo.

Napansin ko na ang tungtungan nilang lahat para magdesisyon na sukuan ang isang tao ay nang mapagdesisyunan nilang piliin ang sarili.

Kapag sagad na at bigat na bigat na, at wala nang ibang mahingian ng tulong kung anong dapat na gawin, madalas nating binabalikan ang sarili. Doon natin napagtatanto kung ano ba ang sobra na, sa matitiis pa.

Hindi ba’t ganon naman talaga? Laging dapat mas mahal ang sarili? 

Ikaw, bakit mo siya sinukuan?

————————————————————————————————————

Read more:

Leave a Reply