A Gen Z Blog

Bata palang ako mahiyain na ako. Kahit nga sa photographer ng ID picture namin noong Grade 6, nahiya ako. Ayaw ko kasing tinitignan ng iba. Pakiramdam ko may naiisip sila tungkol sa akin. Kadalasan hindi ako nagsasalita, lalo kapag wala pa akong masyadong alam tungkol sa topic na pinag-uusapan, o baka hindi ko pa kilala ang taong kausap.  

May nagsabi sa akin dati, sponge daw ako. Bihira kasi akong magsalita at madalas ina-absorb lang ang lahat ng natututunan. Na-realize ko na unfair pala ako. Dapat lahat ng natututunan ay ibinibahagi rin.  

Marami naman talaga akong gustong sabihin, pinangungunahan lang ng hiya. Iniisip ko lagi ang iisipin ng iba, iniisip ko din na baka wala kasing sumang-ayon. Nakasanayan ko kasi na kapag bata, wala pang sapat na kaalaman para magbigay ng opinyon. Mali pala ‘yon. Siguro ay lumaki akong takot magkamali, pwede rin.

21 na ako ngayon. Working na ang henerasyong kinabibilangan ko. Pangarap kong maging writer ng script sa pelikula. Script at love letter lang naman isinusulat ko, pangarap ko ring magsulat ng libro kaso takot akong mabasa ng iba. Takot din akong maging bukas sa ibang tao. Pwede ba ‘yun?  Hindi siguro.

Bakit mo naman ginawa ang blog na ito?

Nakakapagod magsulat ng iskrip. Gusto kong magpahinga at sumulat o magkuwento naman ng kung ano-ano. Mga lugar na napuntahan, lugar na nakainan, trip kong libro, pelikula, o Kdrama. Gusto kong maging bukas bilang tao. Gusto kong sumulat ng tungkol sa sarili, sa mga nakikitang reyalidad sa paligid, sa mga kainang masasarap, o sa mga bago kong natututunan.

Trip ko na nga din isulat ang tungkol sa mga shops na binibilhan ng girlfriend ko ng damit at make-up. Madami na kasi akong natutunan tungkol sa Fashion niya. Siguro bukod sa mabagal na laptop, humaba din ang pasensya ko sa pag-aantay sa kaniya bumili ng mga crop tops. Madalas nakiki-usyoso nalang din ako sa mga binibili niya kaysa tumunganga.

Gutom kasi akong matuto, lahat naman ata tayo. Dati nga naisipan kong matutong mag gitara kaya bumili ako ng gitara, natuto ako isang kanta lang, intro ng magbalik, panis. Noong natripan ko mag bike, nag-ipon akong pambili ng bike. Ngayong ultra-super-duper Enhanced Community Quarantine nga, Blockchain technology at Bitcoin Cryptocurrency ang inaral ko. Hinila lang din ako ng kaibigan ko tungkol dun. Nalunod ako sa mga techy terms pero natuto rin.

Tsismoso ako, lahat ay gusto kong matutunan, at lahat gusto kong i-share din dito sa blog na ‘to.

Ano naman makukuha namin dito?

Wala naman talagang may paki sa mga trip ko sa buhay. Pero sa tingin ko makakatulong ang blog na ito para mas maging bukas ang ibang tao sa trip ng henerasyon namin. Araw-araw naman akong may gustong sabihin at ikuwento kaya susubukan kong sumulat ng 2-3 blogs per week. Exercise din ng creativity brain. Tumatanggap din ako ng pagpuna o pagsang-ayon sa comment section, naks, praktis lang.  

Bukod sa isa itong pagtawid mula sa pagiging mahiyain. Ang blog na ito ay may layunin rin na makapag-share ng mga kuro-kuro, opinyon, at mga trip sa buhay ng makabagong henerasyon(Gen Z). Naniniwala kasi ako na ang mga sabi-sabi namin ay valid nang mapakinggan ng mga nakatatanda ngayon. Na-realize ko na years from now, bukod sa mga aliens, kami naman ang sasakop sa mundo, at may pagkakataon kami to be better. Aheks.

This Post Has 6 Comments

  1. drei

    lodi

  2. Joey Javier Reyes

    Masaya ako at nagsusulat ka na naman at DAPAT LANG, Looyah.

    1. Gerald Foliente

      Oo naman direk! Gaya ng sabi mo dati, magsulat lang lagi. Ingat lagi direk!

  3. Jag

    Nice one!!!

    At magaling ka magsulat… Napakagaling

  4. Sergio

    Nice pre hahaha galing keep it up
    Ewan ko lng kung tanda mo pa ako hahaha

Leave a Reply