3 Ways To Deal With Uncertainty

Nasa age of uncertainty na ang henerasyon ko. Ang edad kung saan madalas hindi tayo pinapatulog o pinapakalma ng pagdududa tungkol sa future.

Madali lang naman kasi ang pagtingin natin sa buhay nung bata pa tayo. Mag-aaral, tapos ga-graduate, tapos hahanap ng magandang kumpanya, tapos kikita ng pera.

Pero nang makatapos tayo, doon na natin na-realize na totoo pala ang sinasabi nila. Napagtanto natin kung gaano kahirap humanap ng trabaho. Kung makahanap man ay hindi naman fair ‘yung workload sa pay rate.

O bigla nalang hindi na tayo sure kung ano talagang gusto nating gawin. O hindi naman pala tayo magaling.

Bigla nalang naging komplikado ang lahat, ang dami ng mga tanong na hindi naman natin alam ang mga sagot. Hindi na natin nakikita kung ano ang mayroon sa future. At ang hinaharap natin ay isa nang malaking uncertainty.

Leap of Faith

Age of Uncertainty: Leap of Faith
Leap of Faith

Naalala ko ‘yung favorite kong scene sa film na Spider-Man: Into the Spider-Verse. ‘Yung scene na tumalon na siya sa building.

Hindi pa kasi makontrol ni Miles ‘yung spider web niya kaya tinanong niya si Peter Parker.

Kahit pa puno ng pagdududa, tumalon nalang agad si Miles. Sa pagkahulog na iyon ay natutunan na niyang kontrolin ang spider web niya sa unang pagkakataon. Sa pagkahulog ay natutunan niyang umahon. 

Na-realize ko sa eksenang iyon na kapag tinulak mo ang sarili sa bangin. At nasa ere ka na at nahuhulog, doon mo mas natututunan ang mga bagay na dapat mong matutunan. Mas matututo tayo kung nasa point na tayo na wala na tayong ibang iniisip kung hindi ang mag-survive.

Nasa point na tayo ng uncertainty ni Miles. Normal ang pinagdadaanan natin. Hindi natin pwedeng lagpasan ang pinagdaanan ng iba. Matututunan din natin itong almusalin sa umaga at isiping sa gabi.

At sa tuwing pinuputakte ako ng uncertainty, may 3 ways akong paulit-ulit na kinakapitan.

  • Never lose the kid in you
  • Maging mabait sa sarili
  • Maging mabuti

Never lose the kid in you

Tandaan na bata pa naman talaga tayo. Marami pang taon na dadaan na mahahanap natin ang mga sagot. Huwag tayong ma-pressure sa mga kakilala o kaedaran. Hindi nasusukat ang success sa edad. Hindi rin basehan ng pagiging masaya ang success.

Huwag isantabi ang inner child. Maglaro ka, maligo sa ulan, tumawa na parang bata sa maliliit na bagay.

Huwag mong hahayaang malunod ang sarili sa mga reyalidad ng pagtanda, mababaliw ka. Mawawala mo ang sarili mo.

Kung may mga tanong na hindi masagot. Subukang hingan ng tulong ang dating ikaw. Simple pa kasi tayo dati mag-isip at hindi pa nahahaluan ng kung ano-anong germs at bacteria ng mundo.

Habang tumatanda ay naniwala kasi tayong kailangan nating magbago. Nawala tuloy natin ang ilang bahagi natin. Ang totoo ay ayos lang na kumatok sa dating tayo para humingi ng mas simpleng sagot.

Malay natin ang dating ikaw pala ang makakasagot sa mga tanong na hirap na hirap kang sagutin ngayon.

Maging Mabait sa Sarili

Gaya ng lagi kong sinasabi sa sarili o sa isang taong nalulunod sa uncertainty. Maging mabait sa sarili. Wala man ako sa katayuan para magsabi, pero ito ang opinyon ko.

Ayos lang na late kang ga-graduate o bagsak sa ibang subject. Ayos lang na may mababang sahod ka pa ngayon. Ayos lang na hindi ka pa employed dahil hinahanap mo pa ang workplace na talagang gusto mo. Ayos lang na may pa itsa-itsa ka pa lang na sahod sa mga freelance work or project mo. Ayos lang din na hindi ka pa magaling. Ayos lang na hindi ka niya pinili. Ayos lang din kung pinili mo munang isantabi ang passion mo para kumita nang mas malaki. Ayos lang na hindi mo naman talaga alam ang sagot sa tanong na “ano ba gusto mo maging?” o “ano ba talaga ang plano mo sa buhay”.

Ayos lang din na ang tanging sagot mo pa lang ay “yumaman”.  Wala kang gusto maging, basta ang gusto mo lang ay kumita ng pera para sa pamilya. Ganoon naman sa bansa natin. Madalas nakatungtong ang mga pangarap natin hindi na para sa sarili, para na sa pamilya. At mas matibay para sa akin ang pangarap na ang tungtungan ay iba. Madali nating sukuan ang pangarap para sa sarili, pero hirap na hirap tayong sukuan ang para sa iba. 

Maging Mabuti

At kung hindi mo pa din alam ang patutunguhan mo sa mundo. O hindi ka pa din sigurado kung tatalon o hindi. Ayos lang din.

Basta lagi mong piliin maging mabuti, dahil ang pinakamahalagang aspeto ng tao ay ang pagiging mabuti. Hindi mo man nakikita ang future o hindi mo pa naabot ang pangarap mo sa kasalukuyan, ang mahalaga ay mabuti kang tao. Ang pagiging mabuting tao ay isa nang pagkakakilanlan.  

Mahalaga din na may paninindigan ka. Kahit kailan ay hindi magiging walang kwenta ang buhay mo as long as tama ang ipinaglalaban mo. Na kapag nakaharap ka sa isang tanong na mahirap sagutin, o isang opinyon na mahirap panigan, lagi at lagi ka pa ding pumapanig sa mas nakakabuti, sa panig na mas maka-tao.

What Matters Most

Kung nalulunod ka ngayon sa mga mahihirap na tanong about sa sarili o sa future, o kagaya ka ni Miles na nag-iisip kung tatalon o hindi.

Tandaan mo nalang ang laging sinasabi ng iba: all you have to do is be safe during this pandemic. Unahin mo munang maging ligtas para after ng lahat ng ito, may chance ka pang mahanap ang mga sagot sa dating ikaw.

Maging mabait sa sarili, maging mabuti sa kapwa. At kung may mga tanong na mahirap pumili ng papanigan, tandaan na laging piliin ang patas at ang mas maka-tao.

This Post Has One Comment

  1. Mia

    AHHH SALAMAT DITO

Leave a Reply